Opera Turbo - Bakit maghihintay?
Makukuha sa: Opera para sa mga computer
-
Mahusay ang tulin, saan ka man pumunta
Hindi ka laging makakakuha ng mabilis na access sa web. Maaaring kailangan kang kumonekta sa Wi-Fi sa abalang kapihan o gumagamit ng laptop na nakakonekta sa mobile na telepono.
Sa mga sitwasyong ito, ang pag-surf ng web ay maaaring nakakainis ang bagal. Kaya kasama ng Opera browser ang bukod-tanging Opera Turbo na mode na makakapag-load ng mga webpage nang limang beses na mas matulin sa ibang mga browser.
-
Walang mga aalalahanin sa pagkapribado
Kahit na habang gumagamit ng Opera Turbo, ang mga ligtas na koneksyon ay hindi dumadaan sa mga server ng Opera. Nangangahulugan ito na habang ginagamit mo ang iyong bangko o nagpapadala ng sensitibong data, direkta kang nakikipag-usap sa website.
-
Paano namin nakukuha lahat ng tulin na iyon
Kapag gumagana ang Opera Turbo, kino-compress ang mga webpage sa pamamagitan ng mga server ng Opera kaya mas kaunting data ang ginagamit nila kaysa sa mga orihinal. Nangangahulugan ito na mas kaunti ang ida-download, upang mas mabilis mong makita ang mga webpage mo.
Ang pagpapagana ng Opera Turbo ay kasing simple ng pag-click sa icon ng Opera Turbo sa ibabang kaliwa ng windows ng Opera browser. Kapag nasa mabilis kang koneksyon muli at hindi na kailangan ang Opera Turbo, awtomatiko itong hindi pagaganahin ng Opera browser.