Konseptong browser na Opera Neon para sa Mac & Windows

Silipin kung ano ang maaaring maging pagbabago ng Opera para sa mga computer. Ang bawat feature ng Opera Neon ay isang alternate reality para sa Opera browser.

I-download na ngayon Libre para sa Windows

Alamin ang layunin ng Opera Neon para sa mga desktop browser:

Maakit

Ni-reboot ang mga feature ng Opera browser na gustung-gusto mo, na may masaya at makabagong hitsura ng Speed Dial, mga visual tab at omnibox, na nagfo-float para simulan ang iyong session ng pagba-browse. Inaalis ng Opera Neon ang kalat sa iyong desktop sa pamamagitan ng pagdadala ng wallpaper ng iyong computer sa browser. O kaya, kung gusto mong ganap na mag-Neon, nakipagtulungan kami sa graphic artist na si Luke Choice para gumawa ng dalawang libreng Neon-inspired na wallpaper.

Maugnay

Ang bagong gawang physics engine ng Opera Neon ay nakatakdang magbigay-buhay muli sa internet. Ang mga tab at iba pang mga object ay tumutugon sa iyo na parang mga totoong bagay; mararamdaman mo ang mga ito at kakaiba ang pagkilos ng mga ito kapag dina-drag, pinipindot o kahit kapag nagpa-pop. Hindi lang basta lagusan upang makagamit ng internet ang nagiging silbi ng desktop browser na ito - gamit ang Opera Neon, ikaw ang may kontrol sa lahat ng nakikita mo.

Palayain ang isip

Gamit ang pag-pop out ng video, split screen mode, isang rebuilt omnibox at mga pinahusay na visual tab, nagiging madali at kaaya-aya ang pagse-surf sa web nang dahil sa Opera Neon. Hindi mo na kailangang itambak ang mga larawang gusto mo sa mga folder kung saan hindi mo na makikita muli ang mga ito. Sa halip, kolektahin ang mga ito sa built-in na snap-to-gallery na tool. May gusto ka bang video? Gamit ang Opera Neon, mapapagsama-sama mo na rin ang iyong mga media-playing tab sa player panel.

Mga visual tab at gravity

Ihinahatid sa iyo ng Opera Neon ang mga bagong feature sa mas bagong konsepto ng disenyo upang matulungan kang magamit ang web sa paraang naaayon dito. Tapos na ang mga araw kung saan maghahagilap ka pa sa walang katapusang mga browser upang mahanap lang ang website na gusto mo. Gumagamit ang makukulay na visual tab ng mga larawan mula sa mga web page upang matulungan kang hanapin ang mga page na kailangan mo. Ito na ang kusang lalapit sa iyo, gayundin ang mga paborito mong tab; hinahatak ng gravity system ng Opera Neon ang pinakamadadalas mong gamiting tab sa isang prominenteng posisyon sa iyong Speed Dial. Tapos ka na sa isang tab? I-pop ito at panoorin itong maglaho!

Snap-to-gallery

Mag-crop, mag-snap at mag-save ng mga larawan ng susunod mong pagbili online, ng nakabibighaning larawan o ng nakakatawang meme mula sa web at ise-save ito ng Opera Neon sa gallery tab. Lalagyan ng label ang iyong larawan kasama ang web address nito nang sa gayon ay makakabalik ka sa source page sa ibang pagkakataon.

Split screen mode

Hindi na uso ang pagba-browse nang paisa-isang web page. Gamit ang split screen mode, malaya kang makakapag-browse ng dalawang page nang sabay sa pamamagitan lang ng pag-drag ng mga visual tab sa kaliwa o kanang panel. Hindi mo na kailangang mag-click muli sa page, itapat lang ang iyong mouse pointer sa pagitan ng mga page para sa tuluy-tuloy na pagba-browse.

Pag-pop out ng video at player

Napa-pop out ang mga video sa sarili nitong window na maaaring ayusin at galawin nang sa gayon ay mapapanood mo pa rin ang mga paborito mong YouTube o Vimeo channel habang nagba-browse ka. Nagdagdag din kami ng player panel na nag-aayos ng lahat ng tab na nagpapatugtog ng musika o nagpe-play ng video sa isang panel para sa mabilis na pag-access.

Opera Neon. Paano kung...